Home Blogs Dapit Hapon...
My Baguiophoria! Blog
An open blog for all Baguiophoriacs.

Jun 25
2010

Dapit Hapon...

Posted by: LordCM

Tagged in: Untagged 

 

Dapit Hapon sa Palau

May mga bagay na di na kayang kontrolin ng isang nilalang na tulad ko, tulad nyo, ni pigilan ay di magawa...Ito'y mga bagay na sadyang itinakda para sayo, para sa kung sino man...Ito'y itinakda dahil kailangan at may dahilan...at kung gagawin ang tama at ang karapat dapat, tiyak ito'y kayang lagpasan...

Dapit hapon kung ito'y tawagin, kung saan nag aagaw ang liwanag at dilim. Di man natin kagustuhan pero ito'y itinakda, kailangan mangyari at kailangan pagdaanan...Ang maganda lang, ito ang nagsisilbing simula para mapaghandaan ang susunod na araw.

Kalimitan, iniisip natin na ang mga problemang dumaraan sa buhay natin ay isang kamalasan o isang masamang pangyayari na kahit di natin ginusto ay sadya tayong kinakapitan...minsan pa halos sisihin natin ang nasa itaas dahil sa sobrang hirap at sakit na nararanasan...pero kung tutuusin, nasa sayo lang naman kung paano mo ito malalagpasan, kung paano mo ito gagamitin para sa mga susunod pang pangyayari sa ating buhay ay magawa natin ng tama...

Ang problemang dumarating ay para lang dapit hapon, di kayang kontrolin o pigilan pero tiyak kayang lagpasan...Madilim man kung ituring pero ito ang panahon kung saan maaari kang makapag ipon ng lakas, itama ang lahat at paghandaan ang susunod na liwanag...

Ung picture kinunan ko yan gamit si ericsson, linggo ng hapon habang nagda-drive papuntang opisina...opis na namin ung nakikita nyong mga building na may mga puno...wag na kayong magtaka at talagang napapalibutan kami ng tubig...

Comments (9)Add Comment
admin
Nice
written by Administrator, June 25, 2010
short daw comment ko smilies/grin.gif
LordCM
...
written by LordCM, June 25, 2010
pwede na nga! thanks smilies/smiley.gif
0verlord
...
written by 0verlord, June 25, 2010
Galeng! Mapanitikan! Ang dapit hapon ay senyales ng tagumpay... na sa liwanag ng araw, nakaya mong tumindig at ipakita ang tunay mong sarili. Mabuhay! smilies/smiley.gif
LordCM
...
written by LordCM, June 25, 2010
@Overlord...
Dapat nman talaga senyales ng tagumpay ang Dapit Hapon, kaso karamihan sa atin ang tingin dito eh katapusan.
0
discount north face jackets
written by discount north face jackets, December 23, 2011

The advanced shirt,it fits for important social activities such as banquet ,evening party and celebration.
0
...
written by miami heat hats , December 23, 2011
No matter the ending is perfect or not, you cannot disappear from my world.
nba snapback hats 
boston celtics hats
0
http://www.cheapclothesale.com/
written by Moncler outlet, December 26, 2011
y tawagin, kung saan nag aagaw ang liwanag at dilim. Di man natin kagustuhan pero ito'y itinakda, kailangan mangyari at kailangan pagdaanan... Besltaff Outlet|Christian Louboutin Outlet| Ang maganda lang, ito ang nagsisilbing simula para mapaghandaan ang susunod na araw.
0
Helpful!
written by cartier replica watches, December 29, 2011
I like this website
replica cartier watches
0
...
written by l-argine plus, January 19, 2012
Eat at least 5 servings of fruits and vegetables per day.

Write comment

security code
Write the displayed characters


busy

My Baguiophoria!