Ito na ang huling semestre ko dito sa Unibersidad. Sa wakas ay magtatapos na din ako! Makakapagpatapos na din ang aking mga magulang na naghirap at kumayod ng husto upang maitaguyod ko ang aking pag-aaral. Hindi lang iyon ang aking ikinagagalak sapagkat nasabi sa akin ng aking mga guro na kandidato daw ako sa pagkamagna cumlaude. Akin pang dapat pag-igihan ang mga huling yugto ng aking pag-aaral upang tuluyan nang magkatotooo ang aking mga pangarap. Nagpapasalamat ako at nang maghagis ang Diyos ng biyaya ng katalinuhan at kasipagan sa pag-aaral ay nakasalo ako nito. Sa kabila ng aking tagumpay na malapit ko nang matamasa ay nalulungkot naman ako para sa aking matalik na kaibigang si Shari. Simula nang mga bata kami ay lagi na kaming magkasama, maging nung nag-aaral pa lamang kami sa probinsiya. Magtatapos na din si Shari at huling semester niya rin ito ngunit nangangamba ako sa mga maaaring kahinatnan ng kanyang pag-aaral. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip ang mga bagay na kailanma’y hindi ko naisip na kanyang gagawin. Noong una kasi’y lubos ang paghanga ko sa kanya dahil sa kanyang talino, kagandahan at mabuting pag-uugali. Napakapositibo niya mag-isip at minsan nga’y siya ang tagapagpalakas ng aking loob. Masipag siyang mag-aral at aminado akong mas maabilidad siya sa akin. Madalas ko siyang nakakasama noong nasa probinsiya pa kami at hindi kami sanay sa mga “gimik” na tinatawag ng mga lumaki sa lungsod. Napakasimple niya at walang luhong makikita sa katawan ngunit napakaraming humahanga sa kanyang kaakit-akit at malaanghel na mukha,
Ang paghanga ko sa kanya’y unti unting nawala simula nang maging kasintahan niya si Allan. Nakilala niya ito noong minsang nagtungo kami sa bahay ng isa naming kamag-aral na si Giselle upang daluhan ang kanyang debut. Si Allan ay kaibigan din ni Giselle na naimbitahan sa okasyong iyon at doon nagsimula ang pagkakakilala nila ni Shari. Napuna ko na noong una pa ay panay ang titig ni Allan kay Shari. Sa totoo lang, ayoko kay Allan sa unang tingin pa lang dahil para akong nakakita ng multo. Purong itim kasi ang suot at nakatayo ang buhok na parang bagong gising. Tinatakpan ng bangs niya ang kanyang kanang mata at may hikaw sa ilong at sa kung saan saan. Ang mata niya’y sobrang itim ng mga gilid at parang nananakot ang dating. Narinig ko sa isang kaklase namin na miyembro daw kasi si Allan ng isang banda, wala din balak mag-aral. Ewan ko ba, siguro dahil sa pagkahilig ni Shari sa musika kaya nagustuhan niya si Allan. Ikinagulat ko na lang mabalitaan kong magkasintahan na daw sila. Naku! Napakabilis naman kako. Sabi nila ay ganoon na daw kasi sa panahon ngayon, kailangan sumabay sa kung ano ang uso. Hay naku! Kung si Allan pinapantasya ng ibang babae ngayon, ayos lang kahit hindi na ako magkaboyfriend! Kahit pa isang sikat na miyembro ng banda! Hindi na lang ako nagkomento kay Shari tungkol sa balitang iyon dahil ayoko din namang masaktan siya, bagkus ay susuportahan ko na lang siya. Nagtataka lang kasi ako dahil sa tagal ng panahong aming pinagsamahan, ngayon lang siya naglihim sa akin. Pati ang pagkakaroon niya ng kasintahan ay sa iba ko pa narinig. Alam ko ang karamihan sa mga lihim ni Shari at alam kong pinagkakatiwalaan niya ako. Nagbago na ba ang pagtingin niya sa akin?
Iilang beses na lang kung makita ko si Shari na umuuwi ng maaga o nagrereview man lang. Madalas na ngang kumatok ng dis-oras ng gabi at nahihiya na ako sa landlady ng inuupahan naming dorm dahil madalas na siyang lumalagpas sa curfew ngunit pinagbubuksan pa din. Madalas na din ang pagliban niya sa klase para makanood ng mga gig nila Allan. Mas nalungkot ako para sa kanya ng malaman kong muntik na siyang bumagsak sa isa naming major subject , kung hindi pa nagmakaawang mabigyan ng pagkakataon ay talagang uulitin niya ang subject na yun. Buti na lang ay medyo malakas siya sa mga guro naming dahil madalas siyang maging academic scholar nung mga unang taon namin sa unibersidad. Lumipas ang mga araw hanggang sa nasanay na ako sa bagong pag-uugali at asta ni Shari. Nagbago na siya. Ang dating nakasimpleng t-shirt , pantalon at sandals ngayon ay nakasleeveless, nakasuot ng pantaloon na parang tinastas at may butas butas pa at nakasuot ng tinatawag nilang “converse” na sapatos. Ang buhok niya nama’y nagkaroon na din ng bangs na tumatakip sa kanyang kanang mata at ang hikaw niya sa tenga ay napakarami. Minsang late siyang dumating sa klase ay imbes na ballpen ang kanyang agad hanapin dahil may exam kami ay ang eyeliner niyang pinangguguhit sa mata ang nadampot. Lahat ng tao sa kanyang paligid ay nanibago sa kanya lalo na’t ang pananalita niya ay nahaluan na din ng mga salitang kalyeng ngayon ko lang nadidinig. Minsang tinanong ko siya kung bakit siya nahuli sa pag-uwi ay halos di ko na maintindihan ang kanyang sagot dahil sa pagkalasing niya. Hindi na kami madalas magkasama dahil si Allan ang laging kasama ni Shari ngunit wala akong magawa dahil hindi na siya nakikinig sa akin kapag may sinasabi ako. Isang araw ay naramdaman kong tila balisa si Shari. Hindi kami nagkakausap ng medyo matagal ngunit sinubukan ko siyang tanungin kung ano ang kanyang problema. Sumagot naman siya agad at ang sabi’y kailangan daw niya ng pera, tatlong libo. Nagtaka ako dahil hindi pa naman bayaran ng matrikula dahil katatapos lang ng exam kaya bakit at saan niya gagamitin ang perang iyon? Sinubukan kong tanungin ulit kung bakit ngunit tanging “basta” lang ang kanyang sinagot. Sinamantala ko na din ang pagkakataon upang sabihin sa kanyang nanganganib na ang kanyang pag-aaral kaya kailangan na niyang pag-igihin dahil nga huling semestre na naming at syempre gusto kong magkasabay kaming magtapos at pinangako din naming yun sa aming mga magulang bago kami umalis ng probinsiya. Tila hindi naman nakinig si Shari kaya minabuti kong hayaan na lang siya at pagtuunan na lang ng pansin ang aking pag-aaral.
as long as you're comfortable with what you're wearing and you're confident with it, ayos na yun! ako nga halos karamihan ng damit na binibili ko uk lang hehe