sa pagkakaalam ko, si budoy ay isang nilalang mula sa assguard. isang lugar kung saan bawal banggitin ang kinaroroonan. balita ko ang lugar na ito ay nakakalito, kung bakit? mga assguardians lang ang nakaka-alam. magdasal ka na lang at sana di ka magawi sa lugar na ito.
si budoy ay talagang makapangyarihan. ang kanyang pinakamatinding kapangyarihan ay ang gutumin ka habang buhay- dahil wala ka nang trabaho! may kapangyarihan rin siyang baguhin ang kinabukasan mo sa pamamagitan ng isang miting. ito'y ilan lamang sa kanyang mga kapangyarihan at ayon sa mga eksperto, marami pang natatagong kapangyarihan si budoy.
si budoy ay hindi gaanong mapanganib ngunit minsan ay talagang napaka-teritoryal kaya kung sakali mang makasalubong si budoy, huwag mag-panic! huminto ng bahagya at dahan-dahang lumayo sa kanyang kinaroroonan. huwag na huwag tititignan si budoy ng diretso sa mata.
ano mang kaalaman tungkol kay budoy ay hinihikayat naming ilathala dito para sa kapakanan ng karamihan. at kung may mali man sa aking mga sinulat kay budoy, wag mag-atubiling ipaalam sa akin.
salamat sa inyo at ingat sa pag- uwi!