someone emailed me this.. .i don’t know if it applies for all the single people.
nagtataka ka ba kung bakit ka pa single?
SINGLE: Minsan ayos lang kase free na free ka gawin kung ano ang gusto
mo o kaya makakapunta ka kung saan mo gusto pumunta pero kung minsan,
lalo na't malamig ang hanging o kya maganda ung view, magwiwish ka na
sana may yumayakap sa yo, hahalikan ka sa noo at tititignan ka ng parang
ikaw na ata ang pinakamagandang babae sa mundo. nakakamiss yun.
kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa
tayo. Gaano katagal na ba tayo walang nagiging boyfriend/girlfriend?
1. Masyadong independent
baka naman masyado mo napoproject na kaya mong mabuhay ng wala silang
lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila
kaya dun nalang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.
2. Mataas ang standards mo
siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa.
aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge,
kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na
mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala pantay ang
kuko niya sa hinlalaki o kaya naman sobrang bad breath niya sa umaga o
kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo...oh eh di turn-off
ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang
wala ng magboyfriend at maggirlfriend ngayon. puro friends nalang.
3. ubod ka ng kasungitan
maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong
mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti
maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan,
madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama.
4. masama ang ugali
kung papipiliin ako kung sa masungit at sa masama ang ugali, dun na ko
sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may
taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng
'peek-a-boo' BAKA ngitian ka na. ibang istorya na kase ang masama ang
ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga
balunbalunan. sa una mabait pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao
kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat,
kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarilli mo
magbago. magdasal ka kay lord. ng mataimtim ha.
5. nagkukulong sa bahay
walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung
nagkukulong ka lang sa bahay. ok, nanjan nga ang nanay mo para sabihin
na maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya
mas maigi kung lumabas ka...pagkagaling sa office, pwede ka magmall o
kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga
organization sa simbahan or sa neighborhood.
6. mukha kang losyang
ito ang kadalasang krimen ng mga single. hindi ka nagbibigay ng panahon
para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman
dahilan para mag-ayos, diba? MALI!!! dapat nga lalo ka mag-ayos para
makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti.
did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? kaya lola, magsimula
ka na mag-ayo! s at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida
sa paligid mo.
7. masyadong magaling
medyo sensitive itong tapic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego
dito eh. oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas
marunong ang babae sa kanila. hindi na natin ito problema dahil malamang
insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kase hindi na
makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. kailangan maramdaman din
nila saiyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka
nila. hindi ko rin sinasabi na icompromise mo ang talents mo, ano bang
magagawa ko kung likas na talentadong bata ka pero ang tamang gawin ay
wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong
kalimutan ng may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang
mang-intimidate kung ayaw mong maintimidate.
8. sobrang busy
alam mo ba ung kantang 'Narda'? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang
kanta nalang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpluck ng
kilay mo wala kang time.
9. dala ang bigat ng kahapon
may kasabihan nga, "how can u look forward when u keep looking back?"
walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na
dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpakabitter dahil in the end,
lalo ka lang papanget. panget na nga, bitter pa. tsaka wag kang matakot
masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain
dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring
matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo
malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman?
10. masyadong masyado
masyado maganda, masyadong matalino, masyadong talented, at masyado
mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong
manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito
ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung humble lang ka, wag mayabang,
at imbis na maging hambog, share nalang the blessing. hindi ka lang
maganda/matalino/talented/mayaman, mabait pa. im sure, lahat
mahuhumaling sayo.
at eto ang pinakamatindi sa lahat:
11. Wala sa guhit ng palad mo ang magkaboyfriend
shiyet ang saklap naman nito kung ganun nga. hindi purkit na hindi ka na
magkakaboyfriend ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano say! o
si Lord kaya gusto niya na wala kang boyfriend. siguro kaya wala kang
boyfriend dahil kelangan ang full attention mo sa pagtulong sa
pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga
pamangkin mo, baka kelangan ang full time and support mo sa organization
mo...maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na
nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater
purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari.
kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type
ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan
ka ng karma. kung nandyan na, gawin nalang ang best para magstay siya sa
buhay mo at hindi ka na nagtataka pa kung bakit single ka pa.