Post ko dati sa dedication corner to... Lipat ko dito baka mabigyan din ng analytical interpretation (sana). hehehe
:uglystupid: >
Bakit ka ganyan?
Haharang harang sa daanan?
Di ka ba nasasaktan
Kung Ika'y natatapakan?
Ang kapal ng mukha mo
Diyan ka pa sa harap ko
Di ka na ba pwedeng
Humanap ng Ibang pwesto?
Sa gabi ang tinik mo
Marami kang biktima na hindi ka naman inano
Pag dumikit ka
Lahat ng tao sa akin ay ayaw na
Kaya mong pumilay ng napalusog na tao
Ito'y kapangyarihan na taglay mo
Paluhain ang mga masasayang nilalang
Patigilin ang paghinga ng sangkatauhan
Saan ka ba galing?
Sa aso o sa tao?
Pero kahit saan man ang pinanggalingan mo
Alam ko na di ka dapat nakadikit sa sapatos ko
Hindi ko kaila na meron din ako ng katulad mo
Pero hindi nakakalat kung saan saan mang kanto
Sana pagsusunod iligpit mo ang sarili mo
Nang hindi ka haharang harang sa dinadaanan ko